Marcos Jr., pinasasagutan ang DQ hanggang Nov. 22

Binigyan ng Commission on Elections (Comelec) si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mas maraming panahon para sumagot sa petisyon laban sa kanyang certificate of candidacy (COC).

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, binigyang ng Comelec Second Division si Marcos ng hanggang November 22.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sinabi ni Jimenez na limang petisyon ang inihain sa Comelec na naglalayung kanselahin ang kandidatura ng dating mambabatas.

Ang mga petitioners ay kinabibilangan ng human rights advocates at Martial Law survivors.

Inihayag ng mga ito na nagsinungaling si Marcos sa kanyang COC, dahil na-convict ito ng apat na bilang ng paglabag sa Tax Code ng Court of Appeals, dahil sa kanyang kabiguan na maghain ng income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa ilalim ng Tax Code, ang naturang offense na ginawa ng public official ay may kaakinat na penalidad na perpetual disqualification mula sa public office.