Nagtala ang Pilipinas ng 1,297 na karagdagang kaso ng COVID-19 infections, dahilan para sumipa ang kabuoang caseload nito sa 2,821,753.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang active case tally ay nasa 23,158 nalang na pinakamababang naitala simula noong January 12, 2021 sa 23,532.
Mula sa naturang bilang, 58.8% ang mild, 4.1% ang asymptomatic, 19.96% ang moderate, 12.2% ang severe, at 5.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, naitala naman ang 1,956 na mga bagong recoveries at 305 pang fatalities, dahilan para tumaas sa total count ng mga gumaling at nasawi sa 2,752,173 at 46,422. //MHEL PACIA-TRINIDAD