Ipinaliwanag ng isang vaccine expert kung bakit hindi inirerekomenda ang Sinovac COVID-19 vaccine bilang boosters para sa mga healthcare workers na una nang tinurukan ng Pfizer at Moderna shots.
Ayon kay Department of Science and Technology’s vaccine expert panel head Nina Gloriani, ang basehan dito ay immunogenicity studies, kung saan napakataas ng antibody level ng mga bagong platforms gaya ng messenger RNA at adenovirus, habang medyo mababa ang sa inactivated.
Ang bakuna na gawa ng Pfizer at Moderna ay mRNA vaccines, at ito ay una nang nagpakita ng mataas na efficacy sa mahigit 90% sa isinagawang clinical trials.

Ang Sinovac naman na kauna-unahang ginamit sa Pilipinas, ay tinatawag na inactivated vaccine, kung saan ito ay uri ng bakuna na pumapatay ng virus na gaya ng SARS-CoV-2, na isa sa oldest at tried-and-tested methods na dahilan ng antibody response. //MHEL PACIA-TRINIDAD