Marcos, balik Pilipinas na mula sa produktibong Brussels Trip; naiuwing investment pledge, pumalo sa 9.8B

Balik Pilipinas na kagabi si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa kaniyang produktibong partisipasyon sa Association of Southeast Asian Nations-European Union (Asean-EU) Commemorative Summit sa Brussels, Belgium.

Sa kanyang arrival statement, sinabi ni Marcos na may tinatayang P9.8 bilyon investment pledge ang natanggap ng bansa mula sa iba’t ibang kumpanya sa Europa.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Iniulat rin Marcos na ang mga pinuno ng Asean at EU member-states ay nagkaroon ng mabungang talakayan sa malawak na hanay ng mga issues.

Ayon sa Pangulo, makabuluhan ang partnerships at development ng EU sa Asia-Pacific Region at maaaring maiugnay sa cohesive organization ng ASEAN.

Binigyang diin din ni Marcos ang ilang mahahalagang punto tulad ng paulit-ulit na kabiguan ng bansa na makapasa sa pagsusuri ng European Maritime Safety Agency (EMSA) sa nakalipas na 16 na taon.

Read More:  5 senators urge Bato to face ICC without Senate cover

Dahil sa kabiguan ng bansa na matugunan ang mga pamantayan ng EU sa seafarer training, nanganganib na mawalan ng trabaho ang nasa 50,000 Filipino seafarers.

Sa isa sa kanyang mga talumpati sa Brussels, tiniyak ni Marcos na tutugunan ng gobyerno ang sitwasyon.