Hindi ang Pilipinas ang nanguna sa listahan ng mga bansa na nagbibigay ng mas mahabang oras sa panonood sa adult video website na Pornhub.
Sa kanilang 2022 Year in Review, sinabi ng Pornhub na ang mga users mula sa Egypt ang mas nagbibigay ng mas mahabang oras sa platform na mayroong average visit duration na 11 minutes at 12 seconds.
Ang Pilipinas na nanguna sa listahan noong nakaraang taon, ay tie sa Japan sa second place na may visit time na 10 minutes at 59 seconds.
Ang iba naman na kasama sa Top 20 ay ang Germany, Netherlands, France, United Kingdom, Ukraine, Poland, Italy, Belgium, Argentina, United States, Australia, Brazil, Sweden, Canada, Spain, Colombia, at Mexico.
Tulad noong 2021, rank 9th ang Pilipinas sa kabuoan ngayon taon, pagdating sa traffic, kung saan United States ang nasa No. 1 spot parin.
Binigyang diin ng Pornhub na 53% ng kanilang mga users mula sa Pilipinas ay mga babae, kung saan ang Japanese ang nananatiling most viewed category sa bansa.
