82K Yen o halos P33K, ibibigay ng Japanese gov’t sa mga mag-asawang may mga anak

Nagpaplano ngayon ang Japanese government na magbigay ng karagdagang 80,000 yen o humigit-kumulang 32,900 pesos sa mga mag-asawang may anak habang ang Tokyo ay naghahanap ng mga paraan upang pigilan ang nakababahalang pagbaba ng birth rate ng bansa.

Ngunit sinasabi ng mga kritiko na hindi sapat na kumbinsihin ng kanilang gobyerno ang mga taong nahihirapan sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at stagnant incomes na magkaroon ng isang sanggol.

Sa kasalukuyan, ang mga bagong magulang sa Japan ay tumatanggap ng one-off payment na 420,000 yen o humigit-kumulang 172,000 pesos kapag naipanganak na ang isang bata.

Iminungkahi ng Ministry of Health, Labor and Welfare na dagdagan ang bilang sa 500,000 yen at ang bagong halaga ay inaasahang maipapatupad sa April 1, 2023.

Mayroong 125.7 milyong Japanese noong 2021, bumaba ang bilang mula sa pinakamataas na 128 milyon noong 2017.