Marcos, aminadong mabigat ang kahaharaping hamon sa problema ng ekonomiya

Kumpiyansa ang papasok na administrasyon na muli pa ring makababangon ang ekonomiya sa kabila ng mga hamong kinahaharap ng Pilipinas.

Ito ang nilalaman ng isang briefer mula sa economic team ni President-elect Bongbong Marcos – ilang araw bago ang pormal nitong panunumpa sa Palasyo.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Aminado ang economic team ng papasok na administrasyon na marami silang kahaharaping mga suliranin ngunit optimistic umano silang mayroon pa ring matibay na pundasyon ang bansa, at maliwanag na macroeconomic prosects.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Anila, bagamat hindi magiging madali ang trabaho ng economic team, kumpyansa silang malalagpasan din nila ito sa pangunguna ni Bangko Sentral ng Pilipinas outgoing Governor at incoming Finance Secretary Ben Diokno.
#