Ilang mga mambabatas, tiniyak na susuportahan si VP-elect Duterte

Nagpa-abot ng pagbati ang ilang mga mambabatas kay Vice President-elect Sara Duterte matapos ang panunumpa nito kahapon sa Davao City.

Naniniwala ang kaalyado ni Duterte na si Albay Rep. Joey Salceda na papunta na ang Pilipinas sa ‘exciting part’.

Ayon kay Salceda, matagal na silang nagkatrabaho ng incoming VP at kumpyansa siya sa kakayahan nito.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Tiniyak naman ni Senador Sonny Angara na susuportahan ng kanyang kumite sa Senado na Finance Committee ang mga programa ni Duterte bilang VP at Education secretary.

Sinabi ni Angara na makakukuha ng sapat na suporta ang tanggapan ni Duterte lalo na sa pinaplano nitong 100% na panunumbalik ng face-to-face classes.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Pinuri naman ni Senador Francis Tolentino ang naging laman ng inaugural speech ni Duterte kung saan ay sumentro ito sa pamilya at Panginoon.

Ayon kay Tolentino, nangangahulugan daw itong tapos na ang pulitika at panahon na para sa reconciliation.
#