MANIBELA, humingi ng tawad sa radio reporter na si Val Gonzales

Humingi ng tawad si Manibela Chairman Mar Valbuena kay Val Gonzales at sa istasyon nito sa nangyaring girian sa pagitan ng grupo ng mga media at tsuper.

Ayon kay Valbuena nagsumbong sa kanya ang mga kapwa tsuper na pinagmumura umano sila ni Gonzales.

Handa rin umano siya harapin ang reklamong isasampa ng reporter laban sa kanya.

Nanindigan naman si Valbuena na walang nangyaring sakitan o panununtok sa mamahayag.

Matataan na sinabi noon ni Gonzales na nakaranas siya ng pangha-harass mula sa taga-MANIBELA noong iniulat niya ang aniya’y perwisyong dulot ng panghaharang ng transport group sa East Ave. sa Quezon City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *