KTV nadiskubre loob ng POGO hub na ni-raid sa Pampanga

Nadiskubre ng mga otoridad ang KTV club sa loob ng POGO hub Lucky South 99 sa Porac Pampanga.

Ito ay hinihinalang pugad ng prostitution na ang ilang entertainer ay Pilipina.

Read More:  Dela Rosa renews Supreme Court plea to block arrest and ICC transfer

Maliban dito, nadiskubre rin ang mas marami pang hinihinalang uniporme ng sundalo ng China sa loob ng naturang POGO.

May nakita ring bala, baril, medalya, GPS tracker at Chinese flag.

Read More:  Malacañang orders agencies to prepare for Undas travel rush

Kasalukuyan namang pinapa-verify sa Chinese embassy ang mga nakitang gamitan.

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission mahigit 300 pa ang ilegal na POGO sa bansa at duda sila na hindi ito napapansin ng mga lokal na pamahalaan.