Lalaking inakalang patay sa ilog nabuhay nang hatakin ng pulis

Naalimpungatan mula sa mahimbing na tulog ang isang lalaki sa India habang nakababad ang katawan sa ilog.

Hinatak kasi ng rumespondeng pulis ang kanyang katawan sa pagkakaakalang patay na ito.

Walang damit ang lalaki pero nakapantalon, at nakalubog ang kaniyang katawan sa tubig at nakaangat ang mukha.

Nagising naman ang lalaki dahil sa panghihila ng pulis at labis naman ang kanyang pagtataka.