Mangingisda sa bayan ng Bulan, umaaray na dahil sa hina ng huli dala ng sama ng panahon; isdang Tamban matumal na rin

Problemado ngayon ang maraming mangingisda sa bayan ng Bulan dahil sa hina ng huli dala ng sama ng panahon dulot ng shearline, LPA at Amihan, kung saan kahit ang isdang tamban o lawlaw na nag-ooversupply nitong mga nakatalikod na buwan ay humina rin ng husto ang huli.

Sa panayam ng Brigada News Fm Sorsogon kay Barangay Zone 2 Bulan Chairman Jojo Geraldino na isa ring mangingisda sinabi nito na dahil sa hina ng huli ng isda ay kanya-kanya munang diskarte ngayon ang mga mangingisda sa kanilang Barangay para makaalalay sa kanilang pang araw-araw habang masungit pa ang karagatan.

Sa kanilang Barangay, umaabot sa 800 ang mga mangingisda o mga kabuhayang umaasa sa biyaya ng dagat  kung kaya patuloy ngayon ang pagpapalakas ng Provincial Government ng mga livelihood program sa mga fisherfolks gaya ng tinapahan at produksyon ng patis upang kahit papaano ay mayroon ang mga itong direktang mapagkukunan ng kanilang makakain tuwing may sama ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *