Tatlong best SDGs ng ISU, kinilala ng THE Impact Rankings 2024

Kinilala ng Times Higher Education (THE) Impact Rankings 2024 ang tatlong “best” United Nations’ Sustainable Development Goals (UN SDGs) ng Isabela State University.

Ito ay ang SDG 1 o ang No Poverty kung saan mula sa 1,093 institutions ay nasa rank 101-200 ang ISU, nasa rank 201-300 naman ang SDG 5 o Gender Equality mula sa 1,361 institutions, habang rank 101-200 din ang SDG 16 o Peace, Justice and Strong Institutions mula sa 1,086 institutions.

Sa panayam ng Brigada News Team kay Johnray Gallena, ang University Section Chief ng Times Higher Education Impact Ranking and Philippine Quality Awards, hindi rin aniya nila inasahan na mapapanatili nila ang kanilang Top 3 SDGs kung saan noong 2023 Rankings ay ito rin ang kanilang Top 3.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Para sa kanilang SDG 1, naging malaki ang kontribusyon ng libreng edukasyon, at iba’t ibang mga scholarship programs na maaaring makuha sa naturang unibersidad. Idagdag na rin dito ang libreng access sa mga dormitories, at iba pang mga facilities.

Malakas din ang mga Gender and Development (GAD) programs ng unibersidad kabilang na ang orientation at gender equality awareness na mayroong malaking salik para sa SDG 5.

Malaki rin ang naging kontribusyon ng College of Law ng ISU-Cauayan campus sa karangalang nakuha ng unibersidad para sa SDG 16, maging ang iba’t ibang pakikipag-ugnayan ng ISU sa mga local institutions, national at international organizations.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Kaugnay nito, ang Isabela State University ay nasa rank 801-1000 mula sa 1,963 globally participating institutions kung saan para naman sa taong 2025, target ng unibersidad na makapasok na sa higher bracket (601 to 800).

Pinuri naman ni Gallena ang lahat ng mga staff, stakeholders at mga faculties ng ISU-system sa kanilang dedikasyon upang makamit ang naturang karangalan. Umaasa rin siya na patuloy na maaalala ng mga estudyante ang mga itinuro ng unibersidad sa usapan ng sustainability kahit pa sila’y magtatapos na.

Ang THE Impact Rankings ay ang kaisa-isang global performance table na sumusuri sa mga UN SDGs ng mga unibersidad sa mayroong kontribusyon sa social, at economic aspect.