Sila Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang magdadala ng watawat ng Filipinas para sa pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.
Kinumpirma ni Philippine Olympic Committee (POC) President ‘Bambol’ Tolentino na ang dalawang Filipino olympian boxers ang magsisilbing flag-bearers para sa Pilipinas.
Maalalang ito na ang ikalawang pagsabak sa Olympics ng dalawang boksingero, matapos ang kanilang silver-medal-debut sa 2021 Tokyo Olympics.
Maliban kina Petecio at Paalam – ilan pa sa mga sasabak sa Olympics ay sina EJ Obiena, Carlos Yulo, Samantha Catantan, Aleah Finnegan, Emma Malabuyo, Levi Ruivivar Joanie Delgaco, John Ceniza, Elreen Ando, at Vanessa Sarno.