21 Pilipinong tripulanteng sakay ng barkong inatake ng Houthi sa Red Sea – ligtas na nakabalik sa Pilipinas

Nakabalik na ng bansa ang 21 mula sa 22 mga Pilipinong tripulante mula sa MV Tutor – ang barkong inatake ng Houthi sa Read Sea.

Wi-nelcome sila ngayong araw ng OWWA, Department of Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac, Health Secretary Ted Herbosa, at TINGOG congressmen.

Tiniyak naman ng DMW at ng OWWA ang financial aid sa mga ito.

Sa ngayon, patuloy pa rin daw na pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan hindi kasama sa mga na-repatriate.

Samantala, namigay naman ang TINGOG party-list, katuwang sina House Speaker Martin Romualdez, at TINGOG party-list Representatives Yedda Romualdez at Rep. Jude Acidre ng tig-P150,000 na cash aid sa bawat isang tripulante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *