Inatasan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang mga alkalde nila na mag-house-to-house inspection para tuntunin ang mga POGO sa Lalawigan.
Ito’y makaraang sabihin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na mayroon silang na-monitor na maliliit na ‘scam hubs’ na pinatatakbo ng mga Pilipino.
Ayon kay Pampanga Vice Gov Lilia Pineda, kahit mga 4th class at 3rd class municipality ay pinakikilos na rin para masiguro na wala nang magiging POGO sa Pampanga kahit na sa economic zone.
Samantala, inaasahan maglalabas ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na magbabawal sa POGO sa buong Pampanga sa inaasahang pagdinig ngayong linggo sa isyu ng POGO sa Porac, Pampanga.