Mangingisda iniulat na nalunod sa karagatan ng Datu Odin Sinsuat

Pinaghahanap pa rin hanggang ngayong umaga ang isang mangingisda na iniulat na nalunod sa karagatang sakop ng Barangay Linek sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Sa pahayag ng maybahay ng biktima na nakilalang si Ebrahim Mangelen Puwasa, sinabi ni Gng. Noria na pumalaot ang kanyang asawa alas kwatro ng madaling araw kahapon upang mangisda.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu


Nagulat na lamang sila dahil pasado alas singko na ng madaling araw ay nakitang palutang-lutang ang sinakyang bangka ng kanyang mister at nang kanila itong tingnan ay wala doon si Ginoong Ebrahim.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors


Sa ngayon sanib pwersa ang MDRRMO ng bayan at BARMM READI sa paghahanap sa mangingisda na umaasa na makakauwi pa ito ng ligtas at buhay. (Jom Dimapalao)