CAMARINES SUR – Malaki ang tulong hindi lamang sa mga benipisyaryo kundi pati na rin sa mga magsasaka at negosyante.
Ito ngayon ang nakikita ng isang alkalde halos isang buwan bago inilunsad sa bayan ng Garchitorena, sa Partido Area ang Walang Gutom 2027 Food Stamp Program bilang isa sa dalawang pilot implementer ng programa sa buong Bicol Region.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Leda San Luis, sinabi nitong “economically”, natulungan nito ang mga magsasaka na makahanap ng buyer ng kanilang produkto at maiwasan ang middleman, at ang mga benepisyaro na maiwasan naman ang involuntary hunger.
Samantala, bagaman mayroong mga reklamo sa ilang benipisyaryo, pag-aaralan pa itong muli ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kanyang pagbisita sa Pili, Camarines Sur, kahapon sa DSWD Information Caravan, upang mabusisi ang mga benepisyaryo at hindi maisama ang mga 4Ps member na dati nang nakatatanggap ng programa.