Mambabatas at farmers’ group: ‘wrong time’ ang pag-angkat ng gobyerno ng sibuyas

Kinuwestiyon ng isang mambabatas at farmers’ group ang timing sa importation ng sibuyas na aprubado ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa harap ng pag-asa ng pamahalaan na matutugunan ang mataas na presyo nito.

Paliwanag ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro, ngayong Enero hanggang Marso na ang anihan ng mga magsasaka ng kanilang tanim na sibuyas, kaya dapat noong Nobyembre o Disyembre sana umano ito ginawa.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa gitna nito, hiniling ni Castro kay Marcos, na umuupo ngayon bilang Agriculture chief, na konsultahin ang mga magsasaka bago aprubahan ang pag-angkat sa 21,060 metric tons (MT) ng naturang commodity.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Mababatid na ang imported supply ay inaasahang darating sa huling bahagi ngayong buwan o sa unang linggo ng Pebrero.

Samantala, pareho din ang naging komento ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) president Rosendo So, at sinabing hindi makakatulong ang naturang imports dahil aasahan nang bababa ang presyo sa harap na mas maraming sibuyas na ang maaani.