Comelec Mercedes magsasagawa ng satellite registration sa Barangay simula ngayong araw

CAMARINES NORTE- Magsasagawa ng satellite registration of voters ang Commission on Elections sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte simula ngayong araw.

Batay sa anunisyo ng Comelec Mercedes, ngayong araw ay gagawin ang registration sa isa sa pinakamalaking barangay sa naturang bayan ang Manguisoc.

Gagawin ito sa Barangay Hall simula alas 8: 30 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Bukas naman, Enero 13 ay gagawin naman ang satellite registration sa Barangay Hinipaan.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Gagawin naman ito sa covered court parehong oras.

Pinapaalalahanan ng Comelec ang mga magpaparehistro na magdala ng anumang valid ID o dokumento.

Kabilang sa mga maaaring dalhin bilang “proof of identification” ay National ID, passport, driver’s license, employment ID, student ID o library card na pirmado ng pamunuan ng eskwelahan.

Pinapaalalahanan din ang mga magpaparehistro na sundin ang social distancing.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Para ma- qualify bilang botante, ang aplikante ay dapat 18 anyos pataas, Filipino na naninirahan sa Pilipinas ng kahit man lang isang taon at nakatira sa lugar kung saan ito magpaparehistro ng kahit man lang anim na buwan bago ang araw ng eleksyon.

Para naman sa SK voters, ang aplikante ay dapat Filipino edad 15 hanggang 30 anyos at naninirahan sa lugar kung saan ito magpaparehistro ng kahit man lang anim na buwan bago ang araw ng halalan.