Proklamasyon ng pagiging drug cleared at drug free ng Jovellar, Albay hindi naging madali-PNP

LEGAZPI-Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Jovellar, Albay na hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan bago naiproklama ang bayan na “drug free at drug cleared” municipality.

Sa huling anunsyo ng PDEA Bicol, ang bayan ng Jovellar ang kauna-unahang lugar sa Bicol Region na nai-proklama.

Ayon kay Vice Mayor Jorem Archangel, hindi madali ang kanilang pinagdaanan dahil sa maraming requirements na kailangan maipasa at kung tutuusin, ilang mga programa ang napabayaan simula nang pumasok ang pandemya.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kanyang nilinaw na ilan sa mga requirements na kanilang ipinasa at pumasa ay ang pagkakaroon ng isang Balay Silangan; lahat na nakasama sa affeted barangay ay cleared o nakatapos sa intervention programs; lahat ng mga pusher sa barangay ay nakapagtapos at nabigyan ng citation ticket.

Ayon naman kay PDEA Bicol Regional Director Atty Gil Pabilona, umaabot pa sa 800 barangay ang kinakailangan pang na mai-drug cleared na barangay sa buong rehiyon.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Aminado rin sila na pahirapan ang pagdeklara sa ilang barangays dahil pabalik balik o nasasangkot pa rin ang mga ito sa ilegal na droga.

Kung kaya, kailangan tutukan ng ahensya ang mga affected barangay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng anti ilegal drugs operation o ipasok ang mga ito sa balay silangan.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pakikipagtulungan sa mga barangay at local chief executive para mawala na ang ilegal na droga at maideklara na Drug free at drug clear barangay.