Malacañang, umapela sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal na sumunod sa local government units

Umapela ang Malacañang sa mga residente na nakatira malapit sa Bulkang Taal na sumunod sa panawagan ng local government units sa evacuation.

Ipinaalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga residente na kailangan ng mga ito na maging vigilant sa gitna ng pag-aalboroto ng bulkan at gumawa ng precautionary measures.

Ipinunto ng kalihim na inutusan na ni Pangulong rodrigo Duterte ang Department of Social Welfare and Development Region 4-A na ihanda na ang food packs na nagkakahalaga ng P1.4-million at non-food items na nagkakahalaga ng P11-million upang magamit kaagad ang mga ito sa relief operations.

Samantala, inutos naman ni Philippine National Police chief General Guillermo Eleazar kay Calabarzon police director Brigadier General Eliseo Cruz na i-deploy ang mga police vehicles nito para makatulong sa evacuation ng mga residente sa high-risk areas.

Nanawagan naman ang Department of Tourism sa mga turista at tourism operators malapit sa bulkan na mag-evacuate na.

Hiniling rin ng ahensya ang postponement ng mga aktibidad at non-essential travel sa mga high-risk towns hangga’t hindi ito naidedeklarang ligtas ng mga otoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *