PRRD, hindi matatakasan ang accountability sakaling manalo ito sa vice presidential elections sa 2022 – De Lima

Binigyang diin ng ilang senador na maituturing bilang accountable public servant ang isang vice president.

Inihayag ito ng nakakulong na si Senator Leila de Lima matapos i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ito sa 2022 elections bilang bise presidente.

Ayon kay de Lima, hindi maaring magtago sa likod ng immunity from suit ang bise presidente, na may pangunahing papel na magsilbi bilang lider sakaling may mangyari sa Pangulo,

Ipinunto ni de Lima na kung siya ay tatanungin ay nasa 0/4 ang compatibility rating ng Pangulo sa VP post.

Binigyang diin rin ni de Lima na bago ang lahat ay dapat isapubliko muna ng Pangulo ang statement of assets, liabilities, and net worth at maging ang health records nito.

Hinimok rin ng senadora ang Pangulo na magpasa sa International Criminal Court ng records ng administrasyon sa war on drugs.

Samantala, kinwestyon naman ni Senator Panfilo Lacson kung paano mapapanatili ng isang sitting president ang “equilibrium” sa pagtakbo nito sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

Matatandaan na sinabi ng Pangulo na pwede na siyang makonsidera bilang vice presidential candidate sa 2022 upang magawa nitong ma-maintain ang equilibrium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *