Malacañang, kumpiyansang ipagpapatuloy ng Marcos admin ang mga programa ni PRRD

Kumpiyansa si outgoing President Rodrigo Duterte na ipagpapatuloy ni President elect Bongbong Marcos Jr. ang mga nasimulan nitong programa na may kinalaman sa economic policies at ang mga infrastructure projects.

Sa isang panayam, sinabi ni Deputy presidential spokesperson and Communications Undersecretary Michel Kristian Ablan na umaasa ang Pangulong Duterte na pananatilihin ni Marcos ang mga economic agenda na kanyang naumpisahan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Partikular na tinukoy ni Ablan ang 10-point policy agenda na inaprubahan ni Pangulong Duterte noong nakaraang Marso para na nakatuon sa pagpapabilis ng economic recovery ng bansa mula sa covid-19 pandemic at ang ‘drive broad-based expansions’ sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Isa pa sa mga partikular na dapat ipagpatuloy ayon kay Ablan ay ang Build Build Build program.

Aniya, marami pang infra projects ang Duterte administration na babago pa lamang sinisimulan na mas kailangang pagtuunan ng pansin ng susunod na administrasyon.(CLAY MARQUEZ)
#