Wi-nelcome ng Komisyon sa Wikang Filipino ang ginawang pahayag ng aktor at ngayong Senator-elect na si Robin Padilla na gagamitin nito ang Wikang Filipino pagdating sa pagharap sa Senado pati na rin sa mga debate sa plenaryo.
Ayon kay KWF Commissioner Benjamin Mendillo, susuprtahan nila si Padilla sa paggamit ng tagalog sa Senado.
Paliwanag nito, kung pagbabasehan talaga ang Konstitusyon, Filipino talaga ang wika na dapat gamitin sa pakikipagtalastasan.
Sa kabila nito, naniniwala si Mendillo na isa talaga itong malaking hamon.
Aniya, mayroon pa rin kasing ilang mga terminolohiya na hindi dapat isinasalin sa Tagalog.
Kabilang na rito ang mga salitang mayroong kinalaman sa batas na kung saan ay ginagamit ang salitang Ingles o Latin.
Maari raw kasing malusaw ang tunay na kahulugan nito sakali mang isalin pa sa Filipino.
#