Grupo ng mga employer, ‘di pabor na ibalik ang alert level 2 restriction sa Metro Manila

Tinawag na kulang sa pansin ni Employer’s Confederation of the Philippines President Sergio Ortiz-Luiz Jr. ang mga nagmungkahi na ibalik sa Alert Level 2 ang restriction level sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ni Ortiz-Luiz na hindi na ito papabor pa na muling maghigpit sa Kalakhang Maynila lalo na’t hindi naman na raw marami ang mga namamatay sa COVID-19.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Aniya, mas marami pa nga raw ang sinisipon at nagkaka-flu ngunit hindi naman natataas ng alerto para rito.

Sa #LagingHanda press briefing naman, sinabi pa ni Ortiz-Luiz hindi na dapat takutin pa ang publiko lalo na’t nag-iimprove naman na ang sitwasyon sa bansa.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Sadya raw kasing mayroon talagang iilang mga tao na ayaw mag-normalize ang Pilipinas.

Una nang nilinaw ng Department of Health na hindi naman ipatutupad ang alert level 2 sa NCR ngunit posible pa rin ito sakali mang lumala ang sitwasyon sa mga ospital at dumami pa ang COVID-19 cases.
#