Mahinang phreatomagmatic eruption naitala sa Bulkang Taal

Nakapagtala ng isang maliit at mahinang phreatomagmatic eruption ang Bulkang Taal, batay sa monitoring ng PHIVOLCS.

Ayon sa impormasyon, tumagal ang mahinang burst ng dalawang minuto.

Read More:  CAAP tightens preparations for Super Typhoon Inday

Aabot naman sa 152 ang naitalang volcanic earthquakes sa Bulkang Taal kabilang ang 33 volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto.

Read More:  DepEd urges schools to partner with parents to prevent school violence

Nasa 7,902 na sulfuric dioxide o asupre naman ang ibinuga ng nasabing bulkan.

Sa kabila ng ipinapakitang aktibidad na ito ng bulkang Taal ay nananatili pa rin ito sa alert level 2.