DOLE okey sa pagbawal sa mga employers na kontakin ang empleyado kapag rest hours

Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang panukalang nagbabawal sa mga employers na i-text, tawagan, at i-email ang kanilang mga empleyado sa panahon ng pahinga o rest hours.

Ayon kay Sec. Silvestre Bello III, suportado nila ang magandang panukala ito sapagkat ang trabaho aniya ng bawat manggagawa ay may sinusunod na tamang oras.

Read More:  De Lima says Duterte must face ICC accountability despite lawyer withdrawal

Sa ngayon aniya, kapag pinagtrabaho ang isang empleyado ng lagpas na sa kanyang oras at hindi binayaran ng mga employers, walang kaakibat na kaparusahan para sa mga employers.

Read More:  Luistro says VP Sara camp may struggle in Senate impeachment trial

Kailangan aniya na magkaroon ng penalty at pagmultahin ang mga employer’s kung hindi babayaran ang overtime ng kanilang manggagawa.

Sa oras naman aniya na maisabatas ito, hindi na maaaring pilitan pa ng mga employers ang kanilang mga empleyado na magtrabaho na lagpas sa kanilang oras o kapag oras na ng pahinga.