Magpapahiram ng pondo sa pangnegosyo ang Agricultural Credit Policy Council o ACPC sa bayan ng San Marcelino, Zambales.
Ito ay para sa mga mangingisda at magsasaka sa bayan na kwalipikadong makinabang sa prebilihyong ipinagkakaloob ng opisina.
Ang proyekto ay may temang agri negosyo (anyo) program na nagpapahiran ng halaga para alalayan ang mga kulang sa pinansyal na aspeto sa hanapbuhay.
Samantala hindi lang mga magsasaka at mangingisda ang kwalipikado kundi mga Overseases Filipino Workers at mga Micro and Small Medium Enterprises.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO
