Mahigit na P2M ektarya ng standing crops, binabantayan na dahil sa paghagupit ng bagyong Enteng

Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa maaaring maging epekto ng mga pag-ulan sa sektor ng pagsasaka.

Ayon sa huling ulat ng DA, posibleng maapektuhan ng bagyo ang higit na dalawang milyong ektarya ng standing crops.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit isang milyong ektarya ang may tanim na palay.

53% dito ang nasa seedling at vegetative stage habang 13% naman ang nasa maturity stage.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Kaugnay nito, pinayuhan ng DA ang mga magsasaka na anihin na ang kanilang mga pananim bago pa ito mapinsala ng naturang bagyo.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang DA Regional Field Office sa mga rehiyong posibleng daanan ng bagyo.