Mas malalim pang imbestigasyon – panawagan ng isang mambabatas kasunod ng na-raid na POGO sa Cebu

Dapat magkaroon ng coordinated effort sa pagitan ng mga law enforcement agencies, ng PAGCOR, at ng mga lokal na pamahalaan upang tuluyan nang matuldukan ang problema sa POGO sa bansa.

Ito ang idiniin ni Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian kasunod ng naging raid sa isang POGO hub sa Cebu.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon kay Gatchalian ang presensya ng mga dating empleyado ng POGO sa Tarlac at Porac sa hub sa Cebu ay nagpapakita na nangangailangan pa ng masinsinang imbestigasyon sa usapin.

Aniya, sa kabila ng naging kautusang POGO ban ni Pangulong Bongbong Marcos, nananatili pa rin ang paglabag ng ilang mga POGO operators at agents.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Lumilipat kasi umano ang mga ito ng lugar.

Panawagan din ngayon ng senador ang mahigpit na pagpapatupad ng komprehensibong hakbang upang matiyak na titigil na talaga ang mga POGOs.