LEGAZPI CITY- Ipinamahagi na ng Department of Agriculture – PhilRice sa mga myembro na magsasaka ang Rice competitiveness enhancement fund seeds sa mga bayan, lungsod ng Bicol at Eastern Visayas Region.
Ayon sa tanggapan, mahigit sa 31, 172 bags ng RCEF seeds ang naibigay na sa nabanggit na lugar.
Kabilang sa mga nabigyan ang Aroroy Masbate, Catubig Northern Samar at iba pang mga bayan at lungsod.
Layunin nito ay mapaghandaan ang wet season at matulungan sa pinaka problema ng mga magsasaka ngayon ay ang iba’t ibang peste at sakit sa palayan lalo na ang patuloy na pagtaas ng abono na nagdudulot ng bawas sa kita at pagbaba ng kanilang ani.
Dahil dito, sinimulan ng DA-PhilRice Bicol RCEF Unit ang kampanyang “Palaykwentuhan: Peste at Sakit Kilalanin! Abonong Swak, Alamin!”, isang KSL activity na nagbibigay ng tyansa sa mga magsasaka na mag kwento ng mga problema sa kanilang palayan lalo na sa usapin ng peste at pag-aabono.
Binibigyan rin ang mga magsasaka ng mga IEC materials na tutulong sakanila na kilalanin ang mga aktibong organismo sa palayan kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama.