Disease surveillance at border control kontra ‘monkeypox’ higpitan – Go

Hinimok ni Senador Christopher Bong Go ang pamahalaan na magkaroon ng mahigpit na disease surveillance at border control upang maiwasan makapasok ang monkeypox virus at iba pang sakit sa Pilipinas.

Ginawa ni Go ang pahayag sa gitna ng mga balita na nasa 12 mga bansa na ang nagkaroon ng kaso ng monkeypox.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Ayon kay Go na tumatayong chairman ng senate committee on health dapat bantayang mabuti ang mga airport at entry ports at huwag hayaang makapasok at kumalat ang naturang sakit lalo na’t hindi pa tapos ang problema sa COVID-19 pandemic.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Sa ngayon nilinaw ng senador na batay sa monitoring ng DOH wala pa namang naiuulat na kaso ng monkeypox sa bansa.

Sa kabila nito umapela naman si Go sa publiko na huwag maging kampante at patuloy na maging alerto upang maiwasan ang naturang sakit.