Nabiktima ng pagnanakaw ang ilang mga negosyante sa West Bajac-Bajac Public Market nitong nakalipas na linggo.
Noong Sabado dalawang tindahan ang magkasunod na ninakawan ng magkakaibang indibidwal base sa kuha ng mga cctv pero halos pareho ang modus.
Unang kunwaring bibili ang suspek na possible umanong may kasabwat para sumalisi.
Sa Leandro’s Variety Store ay nasa 70,000 ang nakuha na nakasilid sa bag matapos masalisihan ang may-ari habang nag-aasiste sa ibang namimili.
Sa Cj & Jaja Variety Store naman ay nasa 25,000 ang nadukot sa sling bag ng may-ari nito.
Isa pang naging biktima ay nagtitinda ng mga daing at tinapa nakaraang Myerkules matapos masalihan kung saan nakuha naman bag nito na naglalaman ng 5,000 at mga ID’s.
Ang isa pang nanakawan rin ay ang Jomar & Shyle Sar-Sari Store kung saan nakuha naman ang aabot sa 7,000.
Ang ilan sa mga biktima ay nag-report na sa PNP habang ang iba naman umano ay sa barangay.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
