Mahigit 20% ng NCR tourism frontliners, bakunado na laban sa COVID-19 – DOT

Nabakunahan na laban sa COVID-19 ang mahigit 70% na mga tourism frontliners sa National Capital Region.

Sa isang statement, sinabi ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na 19,315 mula sa 26,745 frontliners na nagtatrabaho sa accredited na quarantine at isolation facilities ng DOT,  multiple use hotels, at mga staycation hotels, sa ilalim ng mga A1 at A4 groups ang nabakunahan na.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sa bilang na ito, 15,020 ang tourism frontliners sa A1 group at 4,295 frontliners naman sa A4 group.

Ayon pa sa kalihim, kumpiyansa silang mababakunahan ang 100% ng mga manggagawa sa turismo mula sa mga accredited accomodited establishment ng DOT mula sa Metro Manila bago matapos ang enhanced community quarantine (ECQ).

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Dagdag ni Puyat, kailangan ang pagbabakuna ng ating mga manggagawa sa turismo upang mapanatili silang protektado habang ginagawa ang kanilang tungkulin lalo na’t may banta ng Delta variant.