Palasyo, tiniyak ang ayuda sa kabila ng tirada ni PRRD sa isang LGU

Tiniyak ng Malacañang na makakatanggap ng ayuda ang mga residente ng lungsod na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes na di nya papayagang mamahagi ng cash assistance. 

Hindi pinangalanan ng pangulo ang nasabing siyudad pero ito umano ay dahil hindi organisado ang vaccination program ng nasabing lungsod.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Ayon kay Palace spokesperson, Harry Roque, magsisimula nang makatanggap ng ayuda sa Agosto 11 ang mga residente, petsang napagkasunduan ng mga mayor sa Metro Manila.

Hindi man pinangalanan ng presidente ang tinutukoy na lungsod, pero ang ilan ay naniniwala na ang tinutukoy nya ay ang Maynila, kung saan libo-libo ang dumagsa sa mga vaccination sites at nagkagulo noong nakaraang linggo. 

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Inakala ng mga nasasakupan na hindi sila papayagang lumabas at hindi makakatanggap ng ayuda kung sila ay hindi pa nababakunahan.

Mariin namang itinanggi ng Palasyo na ang Pangulong Duterte ang dapat sisihin sa nangyari matapos nyang sabihin noong Hulyo 28 na hindi dapat palabasin ng ng mga barangay officials ang mga taong hindi pa bakunado.