Target ng Department of Budget and Management (DBM) na maisumite sa Kongreso ang P5.024- trillion proposed national budget para sa 2022 sa loob ng deadline.
Ayon kay DBM spokesperson Assistant Secretary Rolando Toledo, plano nilang isumite ang budget sa August 23.
Aniya, sa ilalim ng Saligang Batas, kailangang isumite ng DBM ang budget proposal sa loob ng 30 araw pagkatapos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang naturang budget ay mas mataas ng 11.3% kaysa sa P4.5-trilyon na fiscal program para noong 2021. Ito rin ay katumbas ng 22.8% ng gross domestic product o GDP ng bansa
Inaprubahan naman na ng Development Budget Coordination Committe (DBCC) ang budget para sa 2022.
Sinabi pa ng DBCC na sa ilalim ng proposed 2022 budget ay ipagpapatuloy ang pagpopondo para sa resilience ng bansa laban sa pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng priyoridad sa pondo para COVID-19 response, mga measures gaya ng healthcare development and social services, habang pinalalakas ang economic growth sa pamamagitan ng public infrastractures.
