Mahigit 2 milyong trabaho target ngayong 2022

NAGA CITY- Dalawang milyong trabaho ang target ngayong 2022 sa bansa at sinusubukan maitaas pa ito sa 2.5 milyon kaugnay ng National Employment Recovery Strategy.

Isang milyon ang target sa pribadong sektor habang ang kalahati ay sa pampublikong sektor. Sa pagharap sa mga kawani ng media sa Naga City ni Sen. Joel Villanueva, sinabi nitong kailangan na ng scorecard kung ilan dito ang para sa lalawigan ng Camarines Sur.  Kailangan ding matukoy kung saan ito manggagaling; agrikultura , turismo, construction, business process outsourcing at ilan pa.

Kasabay nito ang pagtitiyak ng proteksyon sa trabaho tulad ng pagtaas ng sweldo ng mga ordinaryong manggagawa. Ayon kay Villanueva, 16-18% ang layo ng sweldo sa National Capital Region.

Binigyang diin pa ng Senador na pareho na ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Bicol at Maynila ngunit malayo ang arawang kita, kung kinakailangan na aniya mag intervene ng pamahalaan dapat may gawin na lalo’t may tumamang pandemya at mataas ang presyo ng produktong petrolyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *