COMELEC-Bicol, muling nagpaalala sa mga lokal na kandidato na sundin ang mga ipinatutupad na guidelines sa pangangampanya

BNFM BICOL—Muling nagpaalala ang COMELEC-Bicol sa lahat ng mga tumatakbong lokal na kandidato sa rehiyon at maging sa mga kinakaaniban nitong partido na sundin pa rin ang mga regulasyon at panuntunan na itinalaga ng komisyon ngayong nagpapatuloy ang pangangampanya ng mga ito.

Ayon kay COMELEC Bicol Regional Director – Atty. Rafael Olaño, mahalagang sundin ng mga kandidato ang guidelines ng komisyon sa pangangampanya, gaya na lamang ng tamang paglalagay ng mga posters at iba pang propaganda materials sa mga designadong lugar.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Gayundin ang pagkuha ng permit sakaling magsasagawa ng mga in person campaign, rallies, miting de avance at iba pang mga pagtitipon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Kaugnay nito, sinabi din ng opisyal na muling magsasagawa ng “Oplan Baklas” ang COMELEC para sa mga campaign materials na nakalagay sa hindi tamang lugar at may paglabag sa kaukulang sukat na inirerekomenda lamang ng komisyon.###