Pagkakaroon ng maayos na bentilasyon at paglalagay ng aircon sa Camarines Norte Agro Sports Center prioridad sa susunod na taon

CAMARINES NORTE – Nasa 30 Milyong piso ang inilalaan ng Pamahalaang Panlalwigan para sa maayos na bentilasyon at paglalagay ng aircon sa Camarines Norte Agro Sports Center upang maging maluwag at komportable sa bulwagan para sa lahat ng mga aktibidad at programa na isinasagawa sa Gusali.

Ito ang muling binigyang diin ni Camarines Norte Governor Ricarte Padilla sa isinagawang basketball championship game ng Governor’s Cup nitong nakatalikod na linggo. Ayon sa Gobernador, ito anya ay maisasakatuparan na sa susunod na taon upang  maging komportable na at hindi na maiinitan ang mga lalahok at manonood kung kayat  lalagyan na ng aircon ang Agro Sports Center kagaya ng sa ibang mga probinsya.

Ang Camarines Norte Agro Sports Center ang pangunahing bulwagan sa lalawigan kung saan idinaraos ang ibat-ibang mga aktibidad subalit maliit ang espasyo nito at kulang sa bentilasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *