Hirit ng ilang tricycle owners sa bayan ng Basud na bumuo ng isa pang TODA inaasahang matatalakay ngayong linggo sa committee level ng Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE – Inaasahang matatalakay ngayong linggo sa Committee on Public Utility ang hirit ng ilang ilang tricycle owners sa bayan ng Basud, Camarines Norte na lumikha ng bagong Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) na may rutang Laniton, Basud- Laniton, San Lorenzo Ruiz at vice versa.

Ito ay makaraang maisama sa agenda ng regular na sesyon noong nakaraang linggo at i- refer ang sulat ng ilang tricycle owners sa nabanggit na komitiba.

Batay sa sulat ni Vicente De Vera sa Tricycle  Regulatory Board, isa sa mga nagmamay ari ng tricycle na pirmado ng siyam na iba pa, mas magiging convenient at efficient ang mode of transportation ng mga residente sa lugar kung magkakaroon ng panibagong TODA dahil mas iikli ang kanilang biyahe.

Mahigit isang oras umano ang biyaheng  Daet to Laniton, San Lorenzo Ruiz samantalang 30 hanggang 45 minuto lang ang Daet to Laniton Basud.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *