Halos 80 % ng transaction sa SSS online na

CAMARINES NORTE – Inihayag ni Social Security System (SSS) Luzon Bicol Division Vice President Elenita Samblero na halos 80 % ng kanilang transaction ay online na.

Kaya naman ipinagtataka umano niya kung bakit mahaba pa rin ang pila partikular sa SSS Daet Branch gayung pwede namang online transaction na lang.

Ito ang napansin ng opisyal ng bumisita ito sa lalawigan noong nakaraang linggo para pangunahan ang Run After Contribution Evaders (RACE) operations kung saan walong delinquent employers ang sinilbihan ng notice of violation.

Kaugnay nito hinimok ni Samblero ang mga miyembro na sa halip na pumila ng mahaba sa opisina ng SSS ay mag- online na lang.

Inihayag rin ng opisyal na pinag- aaralan ng SSS management na ipasara ang kanilng tellering service sa halip ay electronic na lang lahat ang transaksyon. Sa katunayan, paliit nang paliit aniya ang kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *