Mahigit 100 mga farmers association, LGU at mga magsasaka, nakiiisa sa katatapos lang na 1st PHILGAP Caravan sa Bicol

BNFM BICOL- NAKIISA ang 105 na mga Farmers Association, LGU at mga magsasaka na mula sa Albay at Camarines Sur sa katatapos lang na Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP) caravan na kauna-unahan sa Bicol.

Nagsilbing keynote speaker si Gerald Glen F. Panganiban, Director ng Bureau of Plant Industry (BPI) na kung saan kaniyang sinabi niyang “Ang agrikultura sa Pilipinas ay hindi lamang industriya; ito ang bumubuo ng buhay ng ating bansa, nagpapalusog sa ating mga mamamayan, nagtutulak sa ating ekonomiya, at nagpapayaman sa ating pamana.”

Sa ngayon ang rehiyong Bicol ay mayroong kabuoang 127  na mga PhilGAP accredited mula sa mga probinsya ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate at Sorsogon. ### KENNETH BERMIL

COURTESY: DA Bicol/Facebook

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *