10-million pesos na sales, target sa Orgullo Kan Bikol (OKB) Trade Fair

BNFM BICOL – TINATAYANG nasa 50 na mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang kalahok sa Orgullo kan Bikol (OKB) Trade Fair ngayong taon na umarangkada na kahapon sa Shangri-La Plaza, sa lungsod ng Mandaluyong sa Maynila.

Ayon kay Jocelyn Berango, tagapagsalita ng DTI-Bicol, ang OKB trade fair ay nagsisilbing platform para ma-showcase ang mga ipinagmamalaking produkto ng mga local MSMEs sa rehiyon mula sa mga export quality products at delectable delicacies. Inaasahan ng ahensya na maabot ang target sales na sampung milyong piso ng mga exhibitors na kalahok sa nasabing trade fair na magtatagal hanggang sa Mayo 19.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case
Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Kaugnay nito, hinihikayat ng DTI ang publiko, lalong higit ang mga Bicolano na suportahan ang aktibidad at samantalahin ang pagkakataon na makabili ng mga produktong tatak Bicolnon. ### DPM