Populasyon ng mga aso’t pusa sa Cabusao, Camarines Sur, bahagyang tumaas

CAMARINES SUR- Bahagyang tumaas ang populasyon ng mga aso’t pusa sa bayan ng Cabusao, Camarines Sur kaya’t kaliwa’t kanan pa rin ang mass vaccination sa lugar.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Engr. Joey Moral, Municipal Agriculture Office head ng nasabing bayan, aabot na sa isang libo ang bilang ng mga aso’t pusa mula sa mahigit walong daan noong nakaraang taon. Dahil sa patuloy na paglobo ng populasyon ng mga ito, sinisikap nilang magkaroon na ng veterinary clinic sa lugar nang sa gayon ay makapagsimula na silang magsagawa ng pagkakapon. Sa ngayon, ito ang kakulangan na nakikita ng opisyal kung bakit patuloy ang pagdami sa bilang ng mga hayop.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says
Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Sa mass vaccination naman na kanilang ginawa noong mga nagdaang araw, halos tapos na nilang bakunahan ang mga alagang hayop sa lahat ng barangay sa lugar kung kaya’t umaasa sila sa tuloy-tuloy na kooperasyon ng mga pet owners.