Mahigit 100 batang lalaki, sumailalim sa libreng tuli ng Phil Army

SORSOGON CITY – Umabot sa 119 na batang lalaki ang nakinabang sa libreng tuli na isinagawa ng Phil Army sa bayan ng Prieto Diaz, Sorsogon.

Tinawag ang aktibidad na ‘Operation-Tuli and Legal Mission,’ dahil maliban sa free circumcision, nagbigay din ng libreng legal na tulong at may feeding program din.

Read More:  Gunmen kill farmer in hail of bullets outside home in southern Negros town

Ang serbisyo medikal ay isinagawa ng 9th Forward Support Medical Company sa ilalim ng operational control ng 903rd Infantry (Patriot) Brigade.

Katuwang din sa nasabing aktibidad ang Estenias Science Foundation School, LGU-Pto Diaz at ang isang pribadong organisasyon.

Read More:  10 dead in Malapatan, Sarangani landslide; two families buried

Nangako naman ang pamunuan ng Team Patriot na palaging magbabahagi ng kanilang serbisyo publiko at mas pang palalawigin ito upang maitaguyod ang diwa ng pagkakaisa at pag-asa para sa isang mas mabuting komunidad.