Sundalo, patay sa self-accident sa motorsiklo sa Sorsogon

SORSOGON CITY – ‘Dead on th spot’ ang isang sundalo dahil sa self- accident sa motorsiklo na nangyari sa Brgy Tughan sa bayan ng Juban, Sorsgon.

Kinilala ang biktima na si SSG Mark Jay Silverio Lualhati, 39-anyos, may asawa, Phil Army nan aka-assigned sa 5th Field Artillery Battalion Army Artillery Regiment (FAB AAR) at residente ng Magsaysay Tagkawayan Quezon.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Sa inisyal na ulat ng pulisya, galing umano sa Brgy Rangas ang biktima at papuntang Casiguran lulan ng kanyang motorsiklo subalit pagdating sa pakurbadang parte ng nasabing lugar ay na-slide ito at nakatama sa steel barrier ng highway.

Read More:  29 students affected by suspected food poisoning at Davao del Norte School

Bunsod nito, nahulog umano ang biktima sa sementong kalsada at nagtamo ng mga sugat sa kanyang ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.