Mahigit 1k pre-schoolers sa Sorsogon sasailalim sa dietary supplementation program ng PNC

SORSOGON CITY—Sisimulan na ngayong Agosto 16 ang dietary supplementation program na isasagawa ng Provincial Nutrition Council (PNC) Sorsogon.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Sorsogon PNC head Grace Jardin, sinabi nito na ang nasabing feeding program ay ipatutupad sa loob ng 120 araw kung saan sa nasabing peryodo ay bibigyan ng isang itlog bawat araw ang 1,306 na mga pre-schoolers o mga batang edad 2 years old at below 5 years old sa buong lalawigan na natukoy bilang severly wasted at wasted.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Mababatid na ang programa ay isa sa mga interbensyon ng tanggapan at ng LGU upang masolusyunan ang problema kaugnay sa nutritional status ng nasabing mga kabataan.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Una rito, binanggit ng opisyal na ang mga bayan ng Donsol at Matnog ang kanilang natukoy na mayroong mataas na kaso ng mga wasted at severely wasted o mga batang sobrang payat.