Huli ng mga opisyal sa Bgy. San Isidro Narra, Palawan at ng Narra PNP ang suspek sa pagnanakaw ng bisikleta sa bayan ng Quezon kahapon ng tanghali, January 31, 2022.
Kinilala ang suspek sa pangalang Joshua Tabal, 30 anyos, residente ng Barangay Montible sa Puerto Princesa.
Ayon kay Kapitan Ernesto Ferrer, ala-una ng madaling araw ay sinubokan na pumasok ng suspek sa isang bahay pero nagisingan ito ng may-ari kaya agad na tumakas.
Napag-alaman na iniwan ng kanyang mga kasama na nakasakay sa isang tricycle ang suspek kaya tumago na lang ito sa gubat.
Sa sobrang gutom ay napilitan umanong lumabas sa gubat ang suspek habang dala-dala ang ninakaw na bisikleta at isang bag kaya agad siyang nahuli ng mga barangay tanod.