Magandang kapalaran at lakas para sa Pilipino wish ni PRRD ngayong Chinese New Year

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magandang kapalaran at lakas para sa mga Pilipino sa kanyang mensahe ngayong Chinese New Year.

Sa isang pahayag binati ng Pangulo ang Filipino-Chinese community sa pagdiriwang ng bagong taon ng mga tsino.

Read More:  Duterte to skip Nov. 2 ICC status conference

Ipinapanalangin din umano ng Pangulo ang 2022 na maging isang mas magandang taon para sa lahat, sa yaman, kalusugan, relasyon at pag-unlad.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Hinimok din nito ang lahat na patuloy na ipakita ang mga mithiin ng bayanihan at malasakit, lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Dagdag pa rito, sinabi ng Pangulo na dapat salubungin ng mga Pilipino ang bagong taon nang may pag-asa.